Masarap magmahal lalo na kung alam mo ang dahilan. Lalo na't tamang tao ang iyong masumpungan . May tao pa bang ganyan ?! para sa akin kasi para siyang nakikipagtaguan . Para akong naghanap ng karayom sa malawak na damuhan. Mahirap hanapin ang mga bagay na hindi sayo nakalaan ,na kahit tumambling at bumaliktad ka man sadyang mapait pra sayo ang kapalaran. May gamot naman siguro para dyan , kailangan mo lang maging tapat at antayin ang tamang inilaan. Hindi mo kailangang makipagsabayan ,para di lang masabihan na napag iwanan. Masarap maramdaman ang pagmamahal kung parehas ninyo itong nararamdaman. Ang tunay na PAG-IBIG ,sabi ng iba ay pinaghihirapan. Yun ba talaga ang kalakaran ? Hindi ba pwedeng mag antay na lang. Pero sabi nga kasi nila kailangang paghirapan ang mga bagay na gusto mong makamtan. So, kailangan talagang may gawin ka para dyan. Mahirap kasi ipilit ang pag ganyan. Basta AKO pag muling nagmahal ,gusto ko PANGMATAGALAN. Minsan na akong napaitan sa inakala kung walang kamatayan. Hinding hindi na muling mangyayari yan dahil sa susunod sisiguraduhin kung tamang tao na ang makakasama sa MAGPAKAILANMAN .